Lampas pisong rollback sa presyo ng produktong petrolyo at LPG namumuro
Spread the news on:

Namumuro ang mahigit pisong rollback sa presyo ng mga produktong petrolyo sa susunod na linggo, ito na ang ika-apat na sunod na linggong may bawas-presyo sa diesel at kerosene.

Sa pagtaya ng oil companies, inaasahang maglalaro sa P1.70-P2.00/L ang bawas-presyo sa gasolina, P1.20-1.50/L sa diesel at P1.20-P1.50 sa kerosene.

Nitong Martes, Sept. 20, malaki rin ang ibinawas sa presyo ng diesel at kerosene na P4.15 at P4.45 kada litro, pero walang paggalaw sa presyo ng gasolina.

Ang nabawas sa presyo dahil sa serye ng rollback simula nitong Sept. 6-20, ay P7.15/L sa diesel, P3.05/L sa gasolina at P7.75/L sa kerosene.

Samantala, may napipinto ring tapyas-presyo sa liquefied petroleum gas (LPG) na nasa P1 hanggang P2/kilo.

(NP)

 


Spread the news on:

Leave a Reply

Your email address will not be published.