DSWD: Pamumudmod ng educational assistance ng DSWD target tapusin ngayong araw
Spread the news on:

(Photo: Ilang estudyante maagang pumila para tumanggap ng educational assistance sa Davao Occidental. Courtesy: DSWD)

Target ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na tapusin ang pamumudmod ng ayuda sa mga mahirap na estudyante ngayong Sabado, Setyembre 24.

Sinabi ni DSWD Assistant Secretary Romel Lopez sa panayam nitong Biyernes, na sa P1.5 bilyong pondong inilaan para sa educational assistance, may P200 milyon pang natitira at inaasahang matatapos ang distribution nito sa iba-ibang lugar sa bansa ngayong araw.

Sakaling hindi matapos ang cash aid distribution, mag-aanunsyo ang ahensya ng extension ng programa.

Sa huling datos ng DSWD, mahigit 559,000 estudyante na ang nakatatanggap ng cash aid mula nang umarangkada ang ayuda payout noong Agosto 20, hindi pa rito kasali ang mga kukubra ngayong araw. Ang bilang na ito ay mas mataas kumpara sa inisyal na target na aabot lamang sa 400,000 benepisaryong estudyante.

(Toni Tambong)


Spread the news on:

Leave a Reply

Your email address will not be published.