DOJ at Chinese embassy nagpulong para sa pagpapauwi ng 300 illegal Chinese POGO workers
Spread the news on:

(Photo: Pulong nina Justice Sec. Jesus Crispin Remulla at mga opisyal ng Chinese Embassy sa Manila kaugnay sa deportation ng Chinese nationals na nagtrabaho sa illegal POGO sa Pilipinas. Courtesy: DOJ) 

Nakipagpulong na ang Department of Justice (DOJ) sa mga opisyal ng Chinese Embassy upang repasuhin ang exit plan o pagpapauwi sa China ng mga manggagawa ng ilegal na Philippine Overseas Gaming Operators (POGO) na overstaying na sa bansa.

Ilan sa mga napag-usapan nin DOJ Secretary Jesus Crispin Remulla at Zhou Zhiyong, ang Charge D’affaires Ad Interim ng Chinese Embassy ang schedule ng reptariation na gagawin kada grupo.

Sa ngayon, halos 300 ang illegal Chinese POGO workers ang nakatakdang ipa-deport, pero maaaring madagdagan pa ito, ayon sa DOJ, dahil sa mga isinasagawang imbestigasyon at surveillance sa iba pang workers.

“We are verifying the identities and if the identities match then they (China) will start accepting those to be sent home for being overstaying,” ani Remulla kasunod ng pulong sa DOJ Compound sa Maynila.

“Right now, we have less than 300 in custody but we expect more to be there for deportation later on kapag nag all out tayo, kasi we are collating a lot of information now, we are doing surveillance, we are a democratic state, we will obey the law,” dagdag pa niya.

Posibleng sa unang linggo ng Oktubre sisimulan ang pagpapauwi sa unang batch ng deportees.

(Toni Tambong)

 


Spread the news on:

Leave a Reply

Your email address will not be published.