UPCAT ibabalik na para sa SY 2024-2025
Spread the news on:

Magbabalik na sa 2023 ang inaabangang University of the Philippines College Admission Test o UPCAT para sa academic year 2024-2025.

Ang face-to-face UPCAT 2024 ay gaganapin sa Hunyo 3 at 4 sa susunod na taon at magkakaroon ito ng iba’t ibang testing centers sa buong bansa.

Bubuksan naman sa Marso 2023 ang aplikasyon para rito ayon sa pamunuan ng Unibersidad.

Kwalipikado sa naturang aplikasyon ang mga estudyanteng nasa grade 11 sa kasalukuyan at inaasahang magtatapos sa senior high school sa katapusan ng AY 2023-2024.

Inaasahan naman ng UP na dadagsain ng aplikasyon ang pagbabalik ng UPCAT na nangako namang pinaghandaan nila at maglalabas rin ng resulta ng pagsusulit sa takdang oras.

Ang mga estudyanteng nagnanais na malaman ang kumpletong detalye para rito ay maaaring bumisita sa kanilang website na https://upadmissionsonline.up.edu.ph.

(Toni Tambong)


Spread the news on:

Leave a Reply

Your email address will not be published.