TS Karding, napanatili ang lakas habang bahagyang bumilis
Spread the news on:

Napanatili ng Tropical Storm Karding ang lakas nito habang bahagyang bumilis ang pagkilos sa pakanlurang direksyon 10 km/h.

Taglay pa rin ng bagyo ang lakas ng hangin na 65 km/h malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa80 km/h.

Ayon sa PAGASA, asahan na ang malalakas na pag-ulan partikular sa bahagi malapit sa Batanes, Cagayan at Isabela.

Dahil naman sa habagat na naaapektuhan ng Karding, asahan din ang mga pag-ulan sa Southern Luzon at Visayas, partikular sa kanlurang bahagi.

Base sa forecast track ng PAGASA, magpapatuloy sa pakanlurang direksyon papuntang silangang baybayin ng Northern Luzon ang bagyong Karding at inaasahang magla-landfall sa Linggo, Sept. 25.

Sa ngayon, wala pang nakataas na Tropical Cyclone Wind Signal.

(NP)


Spread the news on:

Leave a Reply

Your email address will not be published.