Tatlong gamot sa mental illness tinanggalan ng VAT exemption
Spread the news on:

(File photo)

Inalis ng Food and Drug Administration (FDA) sa listahan ng mga exempted sa 12-percent na value added tax ang tatlong gamot para sa mental illness.

Sa sulat na ipinadala kay BIR Commissioner Lilia Catris Guillermo, sinabi ni FDA Director General Samuel Zacate na ang tatlong gamot ay inalisan ng VAT exemption dahil hindi ito sumunod sa mga probisyon ng Corporate Recovery and Tax Incentives for Enterprises o CREATE Law.

Ang mga gamot na ito ay Dexmedetomidine for intravenous infusion; Dexmedetomidine, concentrate solution for intravenous infusion at Dopamine Hydrochloride, solution for reconstitution (IV infusion).

Kung babalikan, ang CREATE Law ay naglalayong ilibre sa VAT ang mga gamot para sa cancer, diabetis, tubercolosis, kidney at mental illness.

(Toni Tambong)


Spread the news on:

Leave a Reply

Your email address will not be published.