Mga OFW pinag-iingat sa mga modus sa pagpapadala ng balikbayan boxes
Spread the news on:

(Photo courtesy: Philippine Embassy in Warsaw)

Nagpaalala sa mga overseas Filipino workers (OFWs) ang Bureau of Customs (BOC) na maging maingat sa modus ng mga mandarayang freight forwarders kaugnay sa pagpapadala ng balikbayan boxes.

Sa mga ulat mula sa mga OFW na natanggap ng BOC, may mga consolidators o international freight forwarders sa ibang bansa na naniningil ng processing fees sa murang halaga, ngunit hindi naman natatanggap ng consignees sa Pilipinas ang package.

“Sa katunayan, walang natatanggap na pondo ang kanilang partners na deconsolidators o local freight forwarders dito sa Pilipinas para maproseso at mailabas mula sa BOC ang nasabing mga balikbayan boxes,” ayon sa pahayag ng BOC.

Alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., sinabi ng BOC na patuloy silang nakikipag-ugnayan sa Door-to-Door Consolidators Association of the Philippines (DDCAP) upang masiguro na matatanggap ng mga kababayan ang kanilang mga balikbayan boxes na naapektuhan ng nasabing modus.

Maaaring idulog ng mga biktima ang kanilang kaso sa boc.cares@customs.gov.ph at sa official social media accounts ng BOC.

(Jocelyn Domenden)


Spread the news on:

Leave a Reply

Your email address will not be published.