LTFRB: Bagong fare matrix pwede nang kunin ng PUV operators
Spread the news on:

Inanunsyo ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na maaari nang mag-request ang mga public utility vehicle operators ng updated fare matrix bilang paghahanda sa pagpapatupad ng taas-pasahe.

Ayon sa LTFRB, kailangan nakapaskil ang fare matrix sa loob ng sasakyan, na bahagi ng fare increase order.

Para sa mga operator na kukuha ng fare matrix, kailangang magdala ng pinakabagong OR/CR ng sasakyan mula sa Land Transportation Office (LTO), franchise verification, kopya ng provisional authority o certificate of public convenience at office receipt of payment.

“Bukas ang tanggapan ng LTFRB upang tumanggap ng mga request ng Fare Matrix/Guide mula Lunes hanggang Sabado,” pahayag ng LTFRB.

Maaaring dumiretso ang PUV operators sa window 13 o 14 para sa payment assesment, magbayad sa cashier at dumiretso sa window 12 para magpasa ng documentary requirements.

Mayroon naman dalawang araw na dapat hintayin bago matanggap o makuha ang fare matrix.

Ipatutupad simula Oktubre 3 ang dagdag-singil sa pamasahe sa mga pampublikong sasakyan.

Nagpaalala naman ang LTFRB na bawal pang singilin ang mga pasahero ng mas mataas na pasahe hangga’t hindi pa dumarating ang takdang araw na inilaan nila para rito.

(Toni Tambong)


Spread the news on:

Leave a Reply

Your email address will not be published.