Dela Rosa: Hindi pagdeklarang teroristang grupo sa CPP-NPA, hindi makakaapekto sa anti-insurgency campaign
Spread the news on:

Hindi makakaapekto sa kampanya ng pamahalaan laban sa insurgency ang pagbasura ng korte sa kaso ng Department of Justice na naglalayong ipadeklara ang Communist Party of the Philippines-New People’s Army (CPP-NPA) bilang teroristang grupo, ayon kay dating PNP chief, Senator Ronald “Bato” dela Rosa.

Aniya, hindi magiging sagabal sa pagsisikap ng pamahalaan na labanan ang naturang grupo na aniya’y banta sa lipunan.

“Kahit hindi sila na-proscribe, it doesn’t hinder our efforts, the efforts of the government to fight this manace of the society,” pahayag ni Dela Rosa.

Ayon kay Dela Rosa bagamat nakalulungkot at nakapanghihinayang na hindi nagtagumpay ang hangarin na ipadeklarang teroristang grupo ang CPP-NPA, iginagalang niya ang desisyon ng korte.

“We respect the decision of the court. Whatever rulings that they made, we fully respect their decision but personally, ako ay nasasayangan,” ayon kay Dela Rosa.

Sa ipinalabas na resolusyon ni Manila Regional Trial Court Branch 19 presiding judge Marlo Magdoza-Malagar, nakasaad na matapos nilang suriin ang program ng CPP-NPA lumitaw na inorganisa ang kanilang grupo hindi para masangkot sa terorismo.

(Estrella Bueno)

 

 


Spread the news on:

Leave a Reply

Your email address will not be published.