Daily cases ng COVID-19 sa NCR, posibleng umabot sa mahigit 2,000 ayon sa DOH
Spread the news on:

Posibleng lumagpas sa higit  2,000 ang arawang kaso ng COVID-19 sa National Capital Region (NCR) pagsapit ng Oktubre nang makapagtala ng 17.5% na positivity rate ang rehiyon, ayon sa OCTA Research Group.

Ang positivity rate ay ang antas ng mga nagpopositibo sa virus mula sa kabuuang bilang ng mga tao na sumailalim sa COVID-19 tests.

Sa pag-aanalisa sa datos ng Department of Health (DOH), mula 14.3% noong Setyembre 14, umakyat ito sa 17.5% nitong Setyembre 21.  Mas mataas ang parehong numero sa 5% benchmark ng World Health Organization (WHO) para masabing hindi na kumakalat ang virus.

“The positivity rate has matched the previous peak on Aug. 5. It is now likely that this current resurgence will see higher positivity rates over the next weeks,” ayon sa tweet ni OCTA fellow Dr. Guido David.

Tumaas rin umano ang ‘7-day average’ ng Metro Manila sa 1,128 kaso kada araw araw na mas mataas ng 28% sa sinundang linggo.

Umakyat din ang reproduction number sa rehiyon sa 1.26 nitong Setyembre 19 mula sa dating 1.19 noong Setyembre 12.

(Jocelyn Domenden)


Spread the news on:

Leave a Reply

Your email address will not be published.