Convenience store na Ministop papangalanan nang Uncle John’s
Spread the news on:

(Courtesy: www.ministop.com)

Papalitan na ang pangalan ng kilalang convenience store franchise na Ministop bilang Uncle John’s.

Inanunsyo ng Robinsons Convenience Stores, Inc. (RCSI) ang pagbabago sa pangalan ng tindahan ay hango sa popular Uncle John’s Fried Chicken ng Ministop, at batay na rin sa pangalan ng mismong founder ng Robinsons, ang namayapang business tycoon na si John Gokongwei Jr.

“It is also a celebration of the legacy of the late founder, Mr. John Gokongwei, Jr. of Robinsons Retail, the holding company of the convenience store chain,” ayon sa pahayag ng RCSI.

Sinabi ng kumpanya na ang bagong banner name ay nanalo sa isinagawang contest ng mga nagbigay ng suhestyon ng bagong pangalan ng convenience store.

Sa mahigit 80,000 participants, ang pangalang Uncle John’s ang, anila’y, naging top choice.

“Using it as the platform in the reinvention of our stores provides us with a stronger brand story that our customers can relate to,” ayon kay Suresh Ramalinggam, General Manager ng Robinsons Convenience Stores Inc.

“All brand elements and collaterals including physical and digital marketing assets shall use the Uncle John’s brand name effective January 1, 2023,” dagdag na pahayag ni Ramalinggam.

Ang Ministop ay isang convenience store franchise chain na nagmula sa Japan.

Ang RCSI ang exclusive franchisee ng Ministop, at siyang nagdala ng brand sa Pilipinas noong 2000.

Nito lamang Pebrero 2022, binili ng Robinsons Supermarket Corporation ang 40% stake ng Ministop Japan sa RCSI.

Dahil dito, ang RCSI ay isa nang 100% Filipino owned company.

(NP)

 


Spread the news on:

Leave a Reply

Your email address will not be published.