Alyansa ng Pilipinas at Amerika, isyu sa South China Sea, tinalakay sa pulong nina Marcos at Biden
Spread the news on:

(Photo: US President Joe Biden at Pangulong Ferdinand Marcos Jr. nagpulong sa New York City. Courtesy: Ferdinand Marcos Jr. Facebook)

Nagpulong sina United States President Joe Biden at Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ngayong Biyernes ng Umaga (Manila time) sa sidelines ng 77th United Nations General Assembly sa New York City.

Ayon sa Pangulo, binigyang-diin sa kanilang paghaharap ang pagpapatibay ng relasyon at alyansa ng Pilipinas at Amerika.

“We thank the President of the United States, His Excellency Joseph R. Biden, for meeting with us today,” pahayag ni Marcos sa kanyang Facebook account.

(Courtesy: Pang. Ferdinand Marcos Jr. Facebook)

We talked about the deeply rooted relationship of both our countries and the millions of Filipino-Americans and Filipinos residing in the US that tie us together.”

“We are optimistic that we can further strengthen our alliance as we work together towards improving the quality of life for both our peoples,” dagdag ni Marcos.
Inihayag naman ng White House na tinalakay ng dalawang pinuno ang mga isyu sa South China Sea, pagsuporta sa freedom of navigation at kapwa iginiit na dapat idaan sa mapayapang paraan ang pagresolba ng mga alitan.
(Courtesy: Pang. Ferdinand Marcos Jr. Facebook)

Pinagtibay ni Biden ang pangakong pagdepensa ng Amerika sa Pilipinas.

“Biden reaffirmed the United States’ ironclad commitment to the defense of the Philippines. The leaders discussed the situation in the South China Sea and underscored their support for freedom of navigation and overflight and the peaceful resolution of disputes,” ayon sa White House.

Tiniyak din nina Biden at Marcos na palalawakin ang pagtutulungan ng dalawang bansa sa ilang mahahalagang isyu, gaya ng paghahanap ng pangmatagalang suplay ng naaangkop at abot-kayang kuryente, pagtugon sa climate change at imprastraktura.

Pinag-uspan din ang giyera sa pagitan ng Russia at Ukraine at ang mga epekto nito sa presyo ng enerhiya at food security, ayon Sa White House.

Bahagi rin sa mga napag-usapan ang ilang isyu sa ASEAN at respeto sa karapatang pantao.

Bago ang face-to-face meeting, nag-usap na sa telepono ang dalawang lider nang batiin ni Biden si Marcos sa kanyang pagkapanalo sa pambansang halalan nitong Mayo.

Noong Miyerkules, nagtalumpati sa General Assembly sa United Nations headquarters si Marcos, at ibinahagi ang istratehiya sa pagbangon ng ekonomiya sa gitna ng pandemya, climate change at food security. Humingi rin siya ng suporta para sa kandidatura ng Pilipinas sa UN Security Council.

(NP)


Spread the news on:

Leave a Reply

Your email address will not be published.