Vhong Navarro dapat ikulong sa Taguig City Jail ayon sa kampo ni Denice Cornejo
Spread the news on:

(Photo Courtesy: NBI)

Kinuwestiyon ng kampo ng model na si Deniece Cornejo ang pagkaka-detine ng aktor at TV host na si Vhong Navarro sa National Bureau of Investigation (NBI).

Gusto kasi ng kampo ni Cornejo na sa Taguig City jail makulong ang TV host bilang pagsunod sa batas pagkatapos siyang sampahan ng kasong Rape at Acts of Lasciviousness sa korte.

“Ang batas ang dapat sundin… At nakalagay sa batas, ang procedure diyan, ang taong naaresto para sa kaso na ito ay lilitisin sa lungsod ng Taguig, dapat nakapiit sa Taguig City Jail. ‘Yan ang batas,” ayon kay Atty. Ferdinand Topacio na siyang legal counsel ni Cornejo.

Giit pa ni Topacio, ang mga naaresto ‘in flagrante delicto’ o nahuli sa akto sa paggawa ng krimen at iniimbestigahan pa ng NBI lamang ang puwedeng makulong sa NBI.

Matatandaan na naglabas ang Taguig Regional Trial Court Branch 69 ng ikalawang warrant of arrest laban kay Navarro sa kasong rape na walang piyansa.

Ayon naman sa kampo ng aktor, wala silang natanggap na commitment order mula sa korte at resolusyon na basehan nito.

Dahil dito maghahain sila ng petisyon para makapagpiyansa ang aktor at pansamantalang makalaya.

(Jocelyn Domenden)


Spread the news on:

Leave a Reply

Your email address will not be published.