Total ban ng POGO, makasasama sa ekonomiya ayon kay Rep. Salceda
Spread the news on:

Para sa ekonomistang si Albay Rep. Joey Salceda mapipilay ang ekonomiya ng bansa kung magpapatupad ang Pilipinas ng total ban sa operasyon ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGO).

Ang pahayag ay ginawa ni Salceda sa harap na rin ng panawagan ng ilang mambabatas sa Senado at sa Kamara na alisin na ang POGO sa bansa kasunod na rin ng mga nangyayaring krimen na may kaugnayan sa operasyon ng online gambling.

“I think a blanket ban on a specific sector, when there are laws that already exist to prevent abuses in any kind of business, will be seen as arbitrary. There is a blanket ban on kidnapping. There is a blanket ban on illegal Pogos. All kidnapping is wrong, and all gambling without a permit is wrong. My stand is for the government to wield the full weight of the law,” pahayag ni Salceda.

“We once found out in the Committee on Ways and Means that a significant portion of smuggling comes from ecozones. But the solution is to fight smuggling harder, not to close down all ecozones. The solution to illegal Pogo is not to close down all Pogos. If anything, that will only create an entire underground sector,” giit pa ni Salceda.

Ipinaliwanag ni Salceda na kung mayroon mang mali sa operasyon ng POGO ay dapat itama ito at hindi alisin ang kabuuan nito.

“The solution to firms with bad actors is not to ban the entire industry,” paliwanag ni Salceda kung saan igiiit niya na maraming Pinoy ang mawawalan ng trabaho kung tuluyang aalisin ang POGO.

“But our policy cannot be to give an entire industry up just because there are bad actors. All industries have bad actors,” dagdag pa ng solon.

Sa tala ni Salceda, kung aalisin ang POGO ay bababa ng hanggang P18.9 billion ang rental income sa mga opisina at P28.6 billion sa housing rent na pawang inookupa ng mga POGO operators.

(Toni Tambong)


Spread the news on:

Leave a Reply

Your email address will not be published.