TD Karding mas lumakas; isa nang Tropical Storm
Spread the news on:

(Photo courtesy: PAGASA)

Mas lumakas pa ang bagyong #KardingPH at isa na ngayong Tropical Storm ayon sa PAGASA.

Kaninang alas-kwatro ng hapon ay tinatayang nasa 1,320 km East of Northern Luzon na ang bagyong Karding.

Ito ay may maximum sustained winds na 65 km/h malapit sa gitna, gustiness o bugso na hanggang 80km/h.

Mabagal iton kumikilos patungong North Northwestward sa direksyon ng hilagang Luzon.

Makararanas pa rin ang mga apektadong lugar ng malalakas na hangin.

Asahan din ang malakas na ulan dulot ng bagyong Karding sa Northern at Central Luzon simula sa Sabado ng hapon o Linggo ng umaga.

Magdadala ang bagyo ng isolated hanggang scattered flooding at flash floods.

Posible rin na magkaroon ng landslides dahil sa mga pag-ulan.

Magdudulot din ng malalakas na hangin ang bagyo.

Sa current track at intensity forecast ng bagyo, malaki ang posibilidad na magtaas ng Tropical Cyclone Wind Signals sa Northern Luzon at ilang lugar sa Central Luzon.

Ang mga lugar na eastern portion ng Northern at Central Luzon ay maaring isailalim sa TCWS #1 sa Biyernes ng gabi o Sabado ng umaga.

Para naman sa mga may planong maglayag, magiging delikado ito para sa mga maliliit na bangka o seacraft dahil sa moderate to rough seas na dulot ng bagyo.

Ang bagyong Karding ay kumikilos ng mahina patungong westward  ngayong hapon o gabi.

Batay sa forecast track, kung mapananatili nito ang westward movement ay posible itong mag-landfall sa sa east coast ng Isabela o Cagayan sa Linggo.

Inaasahang kikilos ito patungong West Philippine Sea sa Lunes.

Ang bagyong ay lumakas at naging tropical storm na kaninang alas 2 ng hapon.

(NP)


Spread the news on:

Leave a Reply

Your email address will not be published.