Pang. Marcos nakipagpulong kay Japanese Prime Minister Kishida sa UN sidelines
Spread the news on:

(Photo: Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at Japanese Prime Minister Fumio Kishida. Courtesy: Malacanang Press Corps via Manila Bulletin Twitter)

Nakipagpulong si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kay Japanese Prime Minister Fumio Kishida nitong Miyerkules sa sidelines ng United Nations (UN) General Assembly sa New York.

Inihayag ni Kishida na nais niyang palakasin ang kooperasyon ng dalawang bansa sa sektor ng agrikultura, enerhiya, kalusugan at imprastraktura, ayon sa isang tagapagsalita.

Iginiit din ang kooperasyon ng dalawang bansa, partikular sa isyu ng seguridad sa karagatan.

“The international community needs to oppose unilateral attempts to change the status quo by force in the East and South China Sea, as well as economic coercion,” sabi ni Japanese Foreign Ministry Press Secretary Hikariko Ono tagapagsalita, na pagtukoy sa aktibidad ng Tsina na regular na pinupuna ng Japan.

Sinabi ng Japan na matapos mahalal si Marcos noong Mayo ay nais nitong ipagpatuloy ang kooperasyon sa pagpapaunlad ng imprastraktura, kabilang ang mga riles, pagpapaunlad ng Subic Bay, gayundin sa pagpapatupad ng batas sa seguridad at coast guard.

Samantala, kaabang-abang naman ang nakatakdang pagkikita at pagpupulong nina Marcos Jr. at US President Joe Biden.

Kinumpirma ito mismo ni Press Secretary Trixie Cruz-Angeles kung saan ito ang “first in-person discussion” sa pagitan ng dalawang lider.

“This is a momentous event for both countries as (it is) an opportunity to discuss 76 fruitful years of the Philippine-US alliance,” ayon kay Cruz-Angeles.

Inaasahang matatalakay ng dalawang world leader ang pagpapatatag ng relasyong Pilipinas-US, pagpapayabong ng kalakalan, pamumuhunan sa ating bansa, at iba pang isyu na kinakaharap ng mundo.

Hindi naman binanggit ni Cruz-Angeles ang eksaktong petsa ng nasabing pulong.

(Toni Tambong)

 


Spread the news on:

Leave a Reply

Your email address will not be published.