Pagpapasuot ng PPEs, face shields at iba pa sa mga OFW sa airport pinabubisisi
Spread the news on:

(File)

Pinabubusisi ni Senador Pia Cayetano sa mga kapwa senador ang pag-oobliga umano sa mga OFW na magsuot ng personal protective equipment (PPEs) kasama pa ang face shields, gloves at footsies habang naghihintay ng kanilang flight sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Ayon kay Cayetano, mistulang panahon na naman ng kasagsagan ng Covid-19.

Binigyang-diin ng senador na wala namang pagkakaiba ang pagsusuot ng regular na sapatos at footsies.

Gusto ring matukoy ng mambabatas kung requirement sa mga OFW ang pagsusuot ng kumpletong PPE.

Nangako aniya si Dept. of Migrant Workers (DMW) Secretary Toots Ople na aalamin ang bagay na ito.

“Mag-iisang taong wala ng face shields requirement and here we have our OFWs naka-full PPE, with face shields, footsies and gloves. It’s ridiculous, your honors. I feel so bad for them because it is not comfortable wearing those. And that’s why tayo, hangang-hanga tayo sa mga doktor, they had to wear those and I am not sure what the protocols are now, but our OFWs are wearing it when they travel. Ang hirap kaya magbanyo na ganyan ang suot mo. isipin na lang natin ‘yun, dun pa lang,” pahayag ni Sen Cayetano.

Para naman kay Senador Joel Villanueva, maituturing itong diskriminasyon sa mga OFW at dapat mapatigil at kung mayroong nagkamali ay dapat na papanagutin.

Ipinaalala rin ni Villanueva na bahagi ng pagbangon ng ekonomiya ang pagsisikap ng mga OFW kaya hindi aniya dapat dagdagan ang kanilang paghihirap.

(Estrella Bueno)


Spread the news on:

Leave a Reply

Your email address will not be published.