LTFRB, nakatanggap ng reklamo tungkol sa mas maagang dagdag singil sa pamasahe ng ilang PUV drivers
Spread the news on:

(File)

Nagbabala ang Land Transportation and Franchising Regulatory Board (LTFRB) nitong Martes, September 20, sa public utility vehicle (PUV) drivers laban sa paniningil ng bagong rate ng pamasahe nang mas maaga kaysa October 3.

Ito ay kasunod ng mga reklamong natatanggap ng LTFRB laban sa ilang PUV drivers na naniningil umano ng mas mataas na pamasahe kahit na wala pang fare matrix guide mula sa LTFRB.

Ayon sa LTFRB, epektibo pa ang taas-pasahe sa PUVs sa October 3, o 15 araw matapos mailathala ang aprubadong board resolutions sa fare hike.

Magkakaroon naman ng penalty ang PUV drivers at operators na nagkasa o maniningil ng fare hikes nang mas maaga kaysa sa effectivity date nito.

Para sa unang offense, ang PUV operator o driver ay pagmumultahin ng P5,000; P10,000 para sa ikalawang offense at P15,000 na may kaakibat na kanselasyon ng prangkisa sa ikatlo at huling offense.

(Toni Tambong)


Spread the news on:

Leave a Reply

Your email address will not be published.