Korte sa Maynila, ibinasura ang hiling ng DOJ na ideklarang terorista ang CPP/NPA
Spread the news on:

Ibinasura ng korte sa Maynila ang proscription case na naglalayong ideklara ang Communist Party of the Philippines (CPP) at New People’s Army (NPA) bilang mga teroristang grupo.

Sa isang 135-pahinang resolusyon na isinulat ni Presiding Judge Marlo Magdoza-Malagar, sinabi ng Manila Regional Trial Court Branch 19 na ang pagsusuri sa programa ng CPP-NPA ay nagpapakita na ito ay inorganisa hindi para sa layunin ng pagsali sa terorismo.

“[W]hile ‘armed struggle’ with the ‘violence’ that necessarily accompanies it, is indubitably the approved ‘means’ to achieve the CPP-NPA’s purpose, ‘means’ is not synonymous with ‘purpose,” ayon sa resolusyon ng korte na may petsang Setyembre 21, 2022.

“Stated otherwise, ‘armed struggle’ is only a ‘means’ to achieve the CPP’s purpose; it is not the ‘purpose’ of the creation of the CPP,” dagdag pa nito.

Inihain ng Department of Justice (DOJ) ang  proscription case noong 2018 na naglalayong ideklara ang CPP-NPA bilang isang teroristang grupo sa ilalim ng Section 17 ng Human Security Act (HSA) ng 2007.

Sa pagbanggit sa HSA, tinukoy ng korte ang terorismo bilang ang paggawa ng ilang mga gawain, “thereby sowing and creating a condition of widespread and extraordinary fear and panic among the populace, in order to coerce the government to give in to an unlawful demand.”

Sinabi naman ni Justice spokesperson Mico Clavano na pag-aaralan muna ng DOJ ang desisyon.

Sa kanyang bahagi, sinabi ni Press Secretary Trixie Cruz-Angeles na ang desisyon ng korte ng Maynila ay “malinaw na hindi pinal at hindi ginagarantiyahan ang isang komento sa ngayon.”

(Toni Tambong)

 


Spread the news on:

Leave a Reply

Your email address will not be published.