“Extraordinary Attorney Woo” star Park Eun-bin darating sa Manila sa Oktubre
Spread the news on:

(Photo: “Extraordinary Attorney Woo” star Park Eun Bin. Courtesy: @eunbining0904 Instagram) 

May aabangan ang die-hard fans ng hit Netflix series na “Extraordinary Attorney Woo” dahil darating sa Manila ang star nito, ang Korean actress na si Park Eun-bin.

Gaganapin sa October 23 ang meet-and-greet event na “Eun Bin Note: Binkan Asia Fan Meeting Tour 2022” sa North Edsa Skydome sa Quezon City.

Mas lalong sumikat ang aktres sa naturang Netflix series kung saan ginampanan niya ang papel na isang genius na abogada na nasa autism spectrum.

Ayon sa producers ng show, posibleng magkaroon ito ng season 2.

“Following the passionate love of domestic fans, actress Park Eun-bin’s first Asian fan meeting will be held for overseas fans who have given a lot of reaction and interest. As it is the first meeting with overseas fans, it is a page of precious memories,” ayon sa talent management company ng aktres.

(Photo: Park Eun-bin sa fan meeting sa Seoul noong Setyembre. Courtesy: @eunbining0904 Instagram) 

Nauna nang ginanap ang sold-out na fan meeting ni Eun-bin sa Seoul noong Setyembre. Pagkatapos ng Manila, may meet-and-greet din ang aktres sa Bangkok, Singapore at Tokyo.

Hindi pa inaanusyo ang detalye ukol sa tickets ng Manila meet-and-greet.

Si Eun-bin ay dati nang napanood sa mga K-drama tulad ng “Do you like Brahms?,” “Hot Stove League,” at “The King’s Affection.”

(NP)


Spread the news on:

Leave a Reply

Your email address will not be published.