Enrile iminungkahing itaas ang bilang ng ihahalal na mga senador sa 48
Spread the news on:

(Photo: Chief Legal Counsel at dating Senate President Juan Ponce Enrile bilang resource person ng Senate Committee on Constitutional Amendments, Sept. 21. Courtesy: Senate PRIB)

Inirekomenda ni Chief Presidential Legal Counsel Juan Ponce Enrile na manumbalik sa 1935 Constitution, at itaas ang bilang ng mga ihahalal na senador sa 48.

Sa pagpapatuloy ng pagdinig ng Senate committee on constitutional amendments, sinabi ni Enrile na ginawang komplikado ng kasalukuyang charter ang mga probisyon mula sa 1935 at 1973 Constitutions.

Inihayag ng dating he Senate President na ang 1935 Constitution ay simple at madaling maunawaan.

“Una, ang aking mungkahi go back (to the 1935 Constitution), that is my preference. I’m not binding anybody, go back to the 1935 Constitution, or at the very least if we want to change it immediately, go to the 1973 Constitution,” pahayag niya.

“If we are going to change the number of senators at the present time, to be in tune with the number of the expanded population of the country (because) at the time of the adoption of the 1935 Constitution we are only 12 million people. Now, we are more than 100 million people and if we are going to increase the number of senators, I would suggest that we double the present number from 24 to 48,” mungkahi ni Enrile.

“With that 48, 16 will go out every two years to be elected by the people so that new, fresh, and modernized mind will enter the system to contribute to the intellectual capability or academic capability of the remaining members,” patuloy niya.

Gayundin, sang-ayon si Enrile na ibalik ang mga katagang “imminent danger” sa martial law provision ng Saligang Batas dahil magiging daan ito upang makatugon ang pamahalaan sa anumang nagbabadyang giyera, rebelyon, o paghihimagsik.

“Ginulo nila ang martial law provision. Noong idineklara namin ang martial law, simple lang. The Supreme Court cannot interfere. Nobody can interfere, the power of the president was absolute,” sabi ni Enrile.

(Toni Tambong)


Spread the news on:

Leave a Reply

Your email address will not be published.