DOH aminadong kailangang ayusin ang One Health Pass
Spread the news on:

Aminado ang Department of Health o DOH na mayroong “gaps” na kailangang ayusin hinggil sa One Health Pass ng gobyerno, isang online database para sa dumarating na international travelers.

Tiniyak ni DOH Officer-in-Charge Maria Rosario Vergeire sa publiko na ang mga kinauukulan ay tinatalakay na ang mga paraan upang mapabuti ang sistema .

“Nakita rin natin na itong One Health Pass ay maraming mga gaps in terms of processing, procedures, ‘saka yung masyadong maraming nakalagay at hinihingi sa ating mga kababayan,” sabi ni Vergeire sa press briefing.

Ipinapaalala ni Vergeire sa mga manlalakbay na kinakailangan ito para sa contact tracing, ngunit aminadong ang pagrerehistro sa One Health Pass ay maaaring nakakapagod para sa ilan.

Paliwanag ni Vergeire, ang One Health Pass ay upang magkaroon ng database sa lahat ng pumapasok sa bansa.

Simula Setyembre noong isang taon, lahat ng pumapasok sa bansa ay kailangang gumamit ng One Health Pass.

Batay sa mga alituntunin ng Inter-Agency Task Force, hiniling sa mga manlalakbay na ipakita ang kanilang One Health Pass QR code sa Bureau of Quarantine, na nag-iisa lamang na kinokolekta at pinoproseso ang impormasyon na ibinahagi sa platform.

Nauna nang nagpaalala ang DOH na ang pagpaparehistro sa online platform ay libre, kasunod ng mga ulat ng mga biyahero na nabiktima ng mga pekeng website ng pagpaparehistro na humihingi ng bayad.

(Jocelyn Domenden)


Spread the news on:

Leave a Reply

Your email address will not be published.