DA: Suplay ng bigas at karne sapat sa kapaskuhan
Spread the news on:

(File)

Sapat ang suplay ng bigas at karne ilang buwan bago pa sumapit ang kapaskuhan, ayon sa Department of Agriculture (DA).

Sinabi rin ng DA na mayorya ng suplay ng bigas ay mula sa local production ng mga Pilipinong magsasaka.

“A big chunk of the supply comes from the locally produced rice and production of farmers will be enough to meet the demand towards the end of the year,” dagdag pa ng DA.

Nagbabala naman ang DA na mararamdaman ang adjustments sa presyo ng bigas sa mga pamilihan dahil sa epekto ng nararanasang tagtuyot sa China.

“Retail prices, however, might be affected by the ongoing drought in China due to its implications in the cost of palay production, as well as the presence of rice varieties from other countries. Despite this, the DA confirmed that local production is enough,” sabi pa rin ng DA.

“The country has recorded a steady increase in rice stocks inventory reaching up to 2,034.57 metric tons (MT) (Household 1,064.25 MT; 809.83 MT; and NFA 160.50 MT) in July from the 1,632.51 metric tons (Household 864.92 MT; Commercial 611.93 MT; and NFA 156.26 MT) recorded last March,” ayon naman  sa Philippine Statistics Authority (PSA).

Para naman sa National Irrigation Administration (NIA), ginagawa naman umano nila ang lahat ng pagsisikap upang maabot ang layunin ng gobyerno na itaas ang local production.

Samantala, tiniyak din ng DA sa publiko na hindi kukulangin ang suplay ng karne para sa inaasahang demand nito sa paparating na holiday.

“The DA livestock group…confirmed the country’s meat-sufficiency, especially in terms of local chickens and pigs,” dagdag na pahayag ng DA.

Base sa supply outlook ng departamento, ang local production na 1.65 million MT ay sapat para sa inaasahang demand na 1.64 million MT.

Hindi pa kasama rito ang total broiler supply ng bansa na inaasahang aabot sa 1.82 MT.

Gayunman, ang kabuuang suplay ng baboy ay tinatayang magiging  “0.10 million MT”  mababa sa inaasahang demand ng bansa na 1.64 million MT.

“The Department is continuously working on maintaining the stability of the price and monitoring supply to help local producers produce enough for the demand,” ayon sa DA.

Hanggang nitong September 20, ang umiiral na presyo sa Metro Manila gaya  ng sariwang kasim ay P300 kada kilo; P370 per kilo para sa sariwang liempo at P180  kada kilo naman para sa fully-dressed, whole chicken.

(Toni Tambong)


Spread the news on:

Leave a Reply

Your email address will not be published.