COVID border restrictions, pinag-aaralan nang paluwagin ayon sa DOH
Spread the news on:

Pinag-aaralan na ng Deparment of Health (DOH) ang posibilidad nang pagrerekomenda  para sa pagpapagaan sa border restrictions para sa mga dayuhang biyahero na gustong bumiyahe sa Pilipinas.

Inihayag ito ni Health officer-in-charge  Maria Rosario Vergeire sa press briefing.

Nang tanungin ng media kung kailangan ang tamang panahon na alisin ang entry requirements para sa mga foreign travelers bago pumasok sa Pilipinas, sinabi ni Vergeire na sumusunod pa rin ang DOH sa Executive Order (EO) 168 na lumikha ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF).

Isinasaad ng EO na ito na kabilang sa mga tungkulin ng IATF ay pigilan at/o bawasan ang pagpasok ng mga hinihinalang o kumpirmadong pasyente na may emerging infectious disease (EID) sa bansa sa pamamagitan ng rigid screening at pagkilala sa mga suspek sa EID, at ang institusyonalisasyon ng isang surveillance, alerto, at quarantine system sa lahat ng port of entry

Base aniya sa direktiba ng Pangulo, sinabi nito na mas makapagbukas pa ng mga sektor at mas maluwagan ang  mga restrictions sa borders, pag-uusapan ito lahat sa IATF dahil kailangan aniya mapawalang-bisa kung saka-sakali o amyendahan ang EO 168 upang makapag-relax sa mga panuntunan.

“Lahat pinag-aaralan ngayon. Even the border restrictions, pinag-aaralan na po ng mga eksperto natin para sa susunod natin na IATF, we will be able to discuss these also with the other sectors,” ani Vergeire.

Noong Pebrero, niluwagan na ng IATF ang mga paghihigpit sa paglalakbay na nagpapahintulot sa pagpasok ng mga dayuhan sa Pilipinas para sa negosyo at turismo sa ilalim ng ilang mga kundisyon.

Kabilang sa mga kinakailangan para sa mga dayuhan bago pumasok sa bansa ay ang kumpletong pagbabakuna laban sa COVID-19 maliban lang sa mga menor de edad na wala pang 12 taong gulang na nagbibiyahe kasama ang kanilang ganap na nabakunahan na mga dayuhang magulang.

(Jocelyn Domenden)


Spread the news on:

Leave a Reply

Your email address will not be published.