Climate change, international law at Covid-19 pandemic, ilan sa natakalay talumpati ni Marcos Jr. sa UNGA
Spread the news on:

(Photo Courtesy: Bongbong Marcos FB)

Matapos ang dalawang taon simula ng magkaroon ng pandemya, muling nakapagtalumpati nang personal ang mga lider ng ibat-ibang bansa sa 77th United Nations General Assembly (UNGA) sa New York, U.S.A.

Alas tres ng madaling araw ng Miyerkules, September 21, (oras sa Pilipinas) nang magtalumpati si Pangulong Ferdinand Marcos sa UN General Assembly.

(Photo courtesy: Bongbong Marcos Jr. FB)

Nanawagan si Pangulong Marcos Jr. sa United Nations na tutukan ang problema sa climate change sa mundo.

Ayon sa pangulo, kung sino kasi ang least responsible sa climate change ay ito ang nagsasakripisyo sa epekto nito  gaya ng Pilipinas.

“Climate change is the greatest threat affecting our nations and peoples.  There is no other problem so global in nature that it requires a united effort, one led by the United Nations. The effects of climate change are uneven and reflect an historical injustice:  Those who are least responsible suffer the most.  The Philippines is a net carbon sink, absorbing more carbon dioxide than we emit. And yet, we are the 4th most vulnerable country to climate change. This injustice must be corrected, and those who need to do more must act now. We accept our share of responsibility and will continue to do our part to avert this collective disaster,” ayon kay Marcos Jr.

Nanawagan din siya sa mga industrialized country na tuparin ang kanilang obligasyon sa ilalim ng United Nations Framework Convention on Climate Change at sa Paris agreement.

“We call on industrialized countries to immediately fulfill their obligations under the United Nations Framework Convention on Climate Change and the Paris Agreement to cut their greenhouse gas emissions, provide climate financing and technology transfer for adaptation for the most vulnerable and developing countries, and lead by example. We look forward to concrete outcomes at the Conference of Parties in Egypt later this year,” dagdag ng poangulo.

Tinukoy din ng pangulo ang pangangailangan na mag-invest sa food security ng bansa para mabawasan ang tumataas na global food security crisis.

“To attain food self-sufficiency and security, we are providing innovative solutions and financial support to farmers and fisher-folk to adapt new technologies and connect to national and global value supply chains.  We look forward to forging cooperation with the UN and our partners to boost agricultural productivity and food security,” sabi ng pangulo.

Nanindigan din si Marcos na hindi agad nakakuha ang mga developing country ng mga bakuna para sa Covid-19.

“This injustice was evident during this pandemic, when the richer nations immediately received vaccines at the expense of the have-nots.  We see, for example dangers of this lurking in the persistent digital divide and in ballooning debt burdens,” ayon kay Marcos.

Sa kabila nito, handa pa ring tumulong ang Pilipinas sa United Nations kaya hindi ito nagdalawang isip na mag-donate sa Covax facility para magbigay ng bakuna sa ibang bansa.

Kinilala rin ng presidente ang Pinoy health workers.

“Filipino health workers were at the frontlines in many countries to curb the spread of the virus, risking and oftentimes sacrificing their own lives to save those of others. Even as we grapple with these new long-term shifts, we remain beset by an unresolved problem: Inequalities and inequities within and among countries persist, and they continue to demand urgent action. Therein lies our fourth transcendent challenge,” ayon kay Marcos.

Nabanggit din ng pangulo ang tungkol sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) kaugnay ng pagtataguyod ng kapayapaan sa Pilipinas.

Ang tagumpay aniya ng BARMM ay patunay nang pagtataguyod ng kapayapaan sa bansa.

Umapela rin ang pangulo na wakasan na ang racism at Asian Hate.

Katunayan, nangako siyang pabibilisin ang implementasyon ng human rights joint programme sa UN.

Nilinaw rin ng pangulo ang kaniyang foreign policy.

“By reinforcing the predictability and stability of International law, particularly the 1982 United Nations Convention on the Law of the Sea, we provided an example of how states should resolve their differences: through reason and through right. These two contributions provide useful guidance for our time.  For amidst the challenging global tides, an important ballast stabilizes our common vessel.  That is, our open, inclusive, and rules-based international order that is governed by international law and informed by the principles of equity and of justice.  As I have underscored, the Philippines shall continue to be a friend to all, and an enemy of none,” sabi pa ni Marcos.

Binanggit pa niya na ang joint program ng Pilipinas at Estados Unidos hinggil sa human rights ay isang halimbawa ng constructive approach na inuuna ang mamamayan nito.

“It provides a model for revitalizing the structures that facilitate solidarity between the United Nations and the sovereign duty-bearer,” ang wika ng Pangulo.

Sa Estados Unidos, may mga insidente ng hate crimes laban sa mga Asyano kabilang na ang mga Pinoy.

Sinabi rin ng presidente na kailangan ding i-update ang global structures na nangangasiwa sa international cooperation sa mapayapang paggamit ng nuclear energy, biology, chemistry at iba pa.

“Knowledge and discovery remain the keys to unlock the potential of our dynamic future.  Encouraging our young people’s curiosity, honing their skills, and protecting their intellectual properties are important investment,” sabi ni Marcos.

Samantala, sa gitna ng mga pagsubok, gaya ng pandemic, binigyang diin ng pangulo na nananatiling on-track ang Pilpinas para makamit ang upper middle-income status sa susunod na taon.

“With steady investment in food [security], public health, education, and other social services, we expect to become a moderately prosperous country by 2040.  I am confident that we will achieve this vision,” sabi pa ni Marcos.

Nanawagan din ang pangulo sa mga UN member state na suportahan ang kandidatura ng bansa para magkaroon ng seat sa United Nations Security Council.

Ang Pilipinas ay non-permanent member ng UNSC noong 1957, 1963, mula 1980-1981 at 2004 hanggang 2005.

“Our continued solidarity will also benefit from a reformed and more inclusive Security Council   and an empowered General Assembly that can hold the Council to account. At the same time, the United Nations must forge ahead with its flagship tradition of global peacekeeping,” sabi pa ni Marcos.

Tumagal nang 20 minutes ang talumpati ni Pangulong Marcos Jr. sa UNGA.

(NP with reports from Toni Tambong)


Spread the news on:

Leave a Reply

Your email address will not be published.