Rep. De los Santos: Mga atleta at coach, gawing empleyado ng gobyerno
Spread the news on:

(Photo: Rep. Alfred de los Santos. Courtesy: Ang Probinsyano Party-list)

Iminungkahi ng isang mambabatas na gawing empleyado ng gobyerno ang lahat ng mga atleta at coach.

Ito ang sinabi ni Ang Probinsyano party-list Rep. Alfred delos Santos sa kanyang panukala na “Lydia de Vega Act.”

Layunin ng House Bill No. 4654 na gawing regular employees ang national athletes at coaches dahil na rin sa kanilang dedikasyon para sa bayan.

“They bring honor, glory, and prestige every time they represent the country in international competitions. Excellence in sports requires not only physical aptitude but more importantly, mental and emotional fortitude. But how can we expect our national athletes to focus on their training if they still must worry if they will be able to financially sustain themselves and their families?” sabi pa ni De los Santos.

Ang panukalang batas ay ipinangalan kay Lydia de Vega, ang tinaguriang “Asia’s fastest woman of the 1980s,” na nagbigay ng karangalan sa bansa sa larangan ng track and field.

(NP)


Spread the news on:

Leave a Reply

Your email address will not be published.