DOH: Bilang ng nagpapaturok ng Covid-19 booster shots mababa pa rin
Spread the news on:

(File)

Mababa pa rin ang bilang ng mga nagpapaturok ng COVID-19 booster sa bansa, ayon sa Department of Health (DOH).

Dahil diyan kaya patuloy na hinihikayat ang mga Pilipino na magpa-booster shots.

Batay kasi sa datos ng DOH noong September 12, mayroong 72.8 milyong Pilipino na ang nakakumpleto ng kanilang primary COVID-19 doses.

Nasa higit 18.6 milyon naman ang nakatanggap pa lang ng kanilang 1st booster dose habang 2.5 milyon ang may second booster shot.

Nauna nang sinabi ng DOH na 23 milyong Pilipino ang target na maturukan ng booster sa unang 100 days ng bagong administrasyon .

Ngunit dahil kakaunti lamang ang nagpaturok, 70% na lamang ng eligible population ang target na maturukan ng booster shots bago matapos ang taon.

Sinabi naman ni Health DOH OIC Usec. Maria Rosario Vergeire na mananatili pa rin ang banta ng COVID-19 kahit pa magtapos ang pandemya.

(Jocelyn Domenden)


Spread the news on:

Leave a Reply

Your email address will not be published.