Mananaya mula Valenzuela City wagi ng P56-M sa 6/42 Lotto
Spread the news on:

Nagwagi nang mahigit P56 milyon ang nag-iisang mananaya sa Valenzuela City matapos masapul ang winning combination sa Lotto 6/42 draw noong Setyembre 15.

Ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), natumpak ng bettor ang six-digit winning combination na 32-23-41-04-25-21 para sa kabuuang jackpot prize na P56,654,977.

Maaaring i-claim ng bettor ang tseke sa PCSO main office sa Mandaluyong City kapag ipinakita ang nanalong ticket at dalawang identification card.

May kabuuang 37 bettors naman ang nanalo ng PHP24,000 bawat isa para sa paghula ng lima sa anim na winning digits.

Paalala ng PCSO, ang mga nakasungkit ng premyong mahigit P10,000 sa Lotto ay papatawan ng 20 porsyentong buwis sa ilalim ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion law.

Ang mga premyong hindi na-claim sa loob ng isang taon ay mawawalan ng bisa.

Ang 6/42 Lotto ay binobola tuwing Martes, Huwebes, at Sabado.

(Toni Tambong)

 


Spread the news on:

Leave a Reply

Your email address will not be published.