Vergeire: 1.6 milyon health workers hindi pa rin nakatatanggap ng COVID-19 allowance
Spread the news on:

(File photo)

Nilinaw ng Department of Health (DOH) na naisumite na sa Department of Budget and Management o DBM ang listahan ng mga health care workers (HCWs) na hindi pa nakatatanggap ng kanilang allowance at benepisyo mula nang tumama ang COVID-19 pandemic.

Kasunod ito nang sinabi ni Budget Sec. Amenah Pangandaman sa budget deliberation sa senado na hindi pa nagbibigay ang DOH ng listahan na requirement para makumpleto ang pagpapalabas ng pondo para sa HCWs.

Ayon kay Health Officer-in-Charge Maria Rosario Vergeire, naisumite ng ahensya ang listahan noong September 6 at September 13.

Inilahad ni Vergeire na higit 55,000 na HCWs ang hindi pa nakatatanggap ng Special Risk Allowance o SRA at nangangailangan ng P1 billion para pondohan ito.

Habang nasa higit 1.6 million na HCWs naman ang hindi pa rin nabibibyan ng health emergency allowance, na kailangan naman ng P11.5 billion na budget.

Kinumpirma ni Vergeire na ang parehong budget para sa SRA at emergency allowance ay ni-request na rin sa DBM.

(Jocelyn Domenden)

 


Spread the news on:

Leave a Reply

Your email address will not be published.