WHO Head Ghebreyesus sa COVID pandemic: We can see the finish line
Spread the news on:

Ngayon na ang tamang panahon para wakasan na ng mundo ang COVID-19 pandemic ayon mismo sa pinuno ng World Health Organisation (WHO) Dr. Tedros Adhanom Ghebreyesus.

“We are not there yet. But the end is in sight,” saad ni Ghebreyesus sa isang online press briefing.

Matapos ang mahigit dalawang taon ng pandemiya, ito na ang pinakapositibong pahayag mula sa WHO.

Mahigit anim na milyon na ang namatay mula nang magsimula ang COVID-19 pandemic sa China noong 2019.

Nasa 606 million naman ang tinamaan ng virus.

Nagresulta sa mga malawakang lockdown sa iba’t ibang bansa ang pandemiya na nagpabagsak sa maraming ekonomiya at nagpahirap sa healthcare systems.

Unti-unti namang naibsan ang sitwasyon matapos lumabas ang bakuna kontra COVID-19 at marami na ang nabakunahan.

At kahit pa lumabas ang mas nakahahawang Omicron variant ng virus, hindi naman naging ganoon kalala ang epekto nito.

Muli, hinikayat ni Ghebreyesus ang mga bansa na ipagpatuloy ang pagiging mapagbantay laban sa sakit.

“Now is the time to run harder and make sure we cross the line and reap the rewards of all our hard work.”

Kailangan din umanong magkaroon ng sapat na supply ang mga bansa ng mga medical equipment healthcare workers.

(NP/Reuters)


Spread the news on:

Leave a Reply

Your email address will not be published.