Debris ng Chinese rocket, posibleng bumagsak sa Hilagang Luzon-PhilSA
Spread the news on:

(Photo courtesy: Space.com)

Malaki ang posibilidad na lumagpak sa Pilipinas, partikular sa Hilagang Luzon, ang debris ng isang Chinese rocket.

Ayon sa Philippine Space Agency (PhilSA), posibleng malapit sa Cagayan o Ilocos Norte bumagsak ang debris ng Long March 7A (CZ-7A) rocket na inilunsad ng Wenchang Space Launch Center, Hainan, China kahapon, Setyembre 13.

“Two drop zones within the Philippine territory have been identified based on the NOTAM: Drop zone 1 is approximately 71 kilometers from Burgos, Ilocos Norte, while drop zone 2 is approximately 52 kilometers away from Sta. Ana, Cagayan,” pahayag ng PhilSA.

Malaking banta umano sa mga barko, eroplano, bangkang pangisda at iba pang vessel ang debris na babagsak sa drop zones.

Sa kabila nito, siniguro naman ng PhilSA na hindi ito babagsak sa kalupaan.

Kung babalikan, nitong Hulyo lamang ay lumagpak din sa dagat na sakop ng bansa ang debris ng Long March 5B.

“In the case of Long March 7A, the possibility of a similar uncontrolled reentry of the rocket’s upper stages cannot be ruled out at this time,” anang PhilSA.

“PhilSA also cautions everyone against retrieving or coming in close contact with these materials,” dagdag pa ng PhilSA.

(Toni Tambong)


Spread the news on:

Leave a Reply

Your email address will not be published.