NTC: URL link sa mga naglipanang text scam dapat i-disable ng mga telco
Spread the news on:

Inutusan ng National Telecommunications Commission ang tatlong pangunahing telco players sa Pilipinas na i-deactivate ang mga naki-click na URL o mga link sa mga malisyosong site na nakapaloob sa mga text message sa gitna ng pagtaas ng mga SMS-based scam.

Base sa memo na inilabas ng NTC, iniatas nito na dapat i-block ng mga Telcos ang mga domain, URL, link o QR code na nagmumula sa mga mapanlinlang na site batay sa umiiral na database na nakolekta mula sa mga ahensya ng gobyerno tulad ng NTC, National Privacy Commission, Department of Trade and Industry, pulisya at mga ulat na nabuo mula sa machine learning o artificial intelligence.

Nauna nang tumaas ang panawagan ng publiko sa mga natatanggap na SMS spam na may personal na datos ng user kung saan kabilang ang pangalan at apelyido ng mga ito.

Hanggang Setyembre 16 ang ibinigay na deadline ng NTC sa telcos para mag-ulat sa kanila.

Patuloy naman ang ikinakasang imbestigasyon ng Philippine National Police at National Bureau of Investigations sa isyu. Maging ang dalawang kapulungan ng Kongreso ay nagkasa rin ng hearing.

(Toni Tambong)


Spread the news on:

Leave a Reply

Your email address will not be published.