Alex Eala wagi sa US Open, kauna-unahang Pilipinong nanalo ng Grand Slam singles title
Spread the news on:

(Photo courtesy: Alex Eala IG)

Wagi sa US Open girls’ singles competition ang Pinay na si Alex Eala laban kay Lucie Havlickova ng Czech Republic.

Gumawa na kasaysayan si Eala bilang kauna-unahang Pilipino na nanalo ng Grand Slam singles title sa tennis sa nasabing kumpetisyon.

Tinalo ng 17-year old na si Eala si Havlickova sa score na 6-2, 6-4 sa kumpetisyon sa Flushing Meadows, New York nitong Sabado (Sunday, Sept. 11, Manila time).

Ipinamalas ni Eala ang kanyang husay sa buong mundo sa simula pa lang nang laro matapos magtala ng 1-2 score sa opening set kung saan napanalunan niya ang limang laro.

Nakuha pansamantala ni Havlickova ang momentum ng laro sa pamamagitan ng 4-3 lead.

Pero nakabawi si Eala at nakontrol niya ang mga sunod na laro kung saan nakuha niya ang scores na 40-15, ang panghuli at ikasampung laro.

Naging emosyonal naman si Eala sa kanyang pagkapanalo.

“Buong puso ko itong ipinaglaban, hindi lang para sa sarili ko kundi para makatulong din ako sa kinabukasan ng Philippine tennis. So hindi lang ‘to panalo ko, panalo natin ‘to,” ayon kay Eala nang tanggapin niya ang kanyang trophy.

Unang tinalo ni Eala noong Sabado si Victoria Mboko ng Canada sa semi finals para maging unang Pilipino na nakakuha ng Grand Slam.

Nahigitan niya ang dating tagumpay ni Felix Barrientos sa semifinals ng 1985 version ng Wimbledon.

Si Eala ay anak ng dating national swimmer na si Riza Maniego.

(NP)


Spread the news on:

Leave a Reply

Your email address will not be published.