PAGASA: Tropical Depression Florita, napanatili ang lakas; inaasahan ang landfall bukas ng hapon
Spread the news on:

Napanatili ng Tropical Depression Florita ang lakas nito na 55 km/h malapit sa gitna at bugsong umaabot saa 70 km/h.

Ito’y habang kumikilos ang bagyo na pa-kanluran-timog kanluran sa karagatan silangan ng Cagayan province at may bilis na 20 km/h.

Ayon sa PAGASA, inaasahang mapananatili ng TD Florita ang tinatahak nitong direksyon at maaaring mag-landfall sa may baybayin ng Cagayan o Isabela bukas ng hapon.

Tinatayang mas lalakas pa ang bagyo ngayong araw at maaaring maging isang Tropical Storm.

Sa ngayon, nakataas pa rin ang signal no. 1 sa Cagayan, Isabela, Quirino, Nueva Vizcaya, Apayao, Abra, Kalinga, Mountain Province, Ifugao, Ilocos Norte, Ilocos Sur at hilagang bahagi ng Aurora province (Dilasag, Casiguran, Dinalungan, Dipaculao).

(NP)


Spread the news on:

Leave a Reply

Your email address will not be published.