Pagbisita ni Pangulong Marcos sa Indonesia at Singapore tuloy na sa Setyembre
Spread the news on:

(File photo)

Kinumpirma ng Malacañang na tuloy na ang pagbisita ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Indonesia at Singapore sa Setyembre. Ito ang kanyang kauna-unahang foreign trip bilang pinuno ng bansa.

Ayon kay Press Secretary Trixie Cruz-Angeles, naka-iskedyul ang biyahe ni Marcos sa Indonesia sa Setyembre 4-6 at pagkatapos ay didiretso siya ng Singapore sa Setyembre 6-7.

Sabi ni Angeles, pinili ni Marcos ang mga naturang bansa bilang pagsunod sa nakagawian na ang unang foreign trips ng mga pangulo ng Pilipinas ay ginagawa sa Southeast Asian nations. Bago nito, may imbitasyon si Marcos para sa state visit sa Singapore.

Inaayos na rin ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang pagbisita ni Marcos sa Estados Unidos sa susunod na buwan para dumalo sa United Nations’ General Assembly (UNGA).

Ayon kay Philippine Ambassador to Washington Jose Manuel Romualdez, kabilang sa mga inilalatag na aktibidad ng Pangulo ay ang pakikipagpulong sa iba’t ibang mga pinuno ng bansa, kabilang na si US President Joe Biden.

Inaasahan aniyang magbibigay ng mensahe si Marcos kaugnay sa COVID-19 pandemic recovery sa unang araw ng UN General Assembly sa Setyembre 20.

(NP)

 

 


Spread the news on:

Leave a Reply

Your email address will not be published.