Mahigit 160,000 benepisyaryo sa Visayas tinanggal na sa listahan ng 4Ps
Spread the news on:

Tinanggal na ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa listahan ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) ang 161,431 benepisyaryo sa Visayas.

Batay sa assessment, itinuturing nang “non-poor” o hindi na mahirap ang mga pamilyang ito, ayon kay May Rago-Castillo, regional public information officer ng DSWD sa Western Visayas.

Una nang sinabi ni Social Welfare Secretary Erwin Tulfo na maituturing na non-poor ang isang pamilya kung may anak silang nakapagtapos na sa pag-aaral at may trabaho na.

Ang Western Visayas ay may pinakamaraming tinanggal sa talaan na aabot sa 87,678. Sinundan ito ng 17,639 sa Central Visayas at 56,114 sa Eastern Visayas.

Mula sa 4.3 milyong kabuuang miyembro ng 4Ps sa buong bansa, target ng DSWD na tanggalin sa listahan ang nasa 1.3 milyon miyembero na anila’y mas maayos nang pamumuhay ngayon.

Ito’y para mabigyan din ng pagkakataon na mapasama sa listahan ang iba pang mas mahihirap na pamilya na nasa waiting list.

Sa ilalim ng 4Ps, tatanggap ng P6,000 kada taon o P500 kada buwan ang isang pamilya para sa kanilang gastusin sa pagkain, at P3,000 naman kada taon bilang tulong sa pantustos sa pag-aaral ng mga anak.

(NP)

 


Spread the news on:

Leave a Reply

Your email address will not be published.