Sports icons ng bansa isinusulong na mailibing sa Libingan ng mga Bayani
Spread the news on:

(Photo: Libingan ng mga Bayani. Courtesy: Now or Never Facebook)

Isinisulong ni Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers na mabigyan ng heroes burial at mailibing sa Libingan ng mga Bayani ang mga sports heroes ng bansa.

Sa inihaing House Bill 3716 ni Barbers, iginiit niyang nararapat lamang na mabigyang pagkilala ang malaking kontribusyon sa bayan ng mga atleta.

“Filipino sports icons have this amazing, unique way of making a positive impact in our society. They are our source of inspiration and strength in direst situations and serve as good role models, especially to the youth. With their incredible achievements that brought honor to our country, they deserve a spot at the Libingan ng mga Bayani,” ayon kay Barbers.

Sa ilalim ng panukala, ang itinuturing na “sports heroes” ay ang mga atletang nakapagbigay ng karangalan sa bansa gaya ng mga nanalo ng gintong medalya sa Southeast Asian Games, silver medal sa Asian Games o Asian Cup, gayundin ang mga naka-bronze medal sa Olympic Games o naging world champion sa anumang professional sports competition.

Ipinanukala ito ni Barbers kasunod na rin ng pagkamatay ng itinuturing na Asia’s sprint queen na si Lydia de Vega.

“I hope that it is not too late to honor our sports heroes like Lydia de Vega. This measure is but a token of gratitude that we all enormously owe her and our other unsung sports heroes” sabi ni Barbers.

(Toni Tambong)


Spread the news on:

Leave a Reply

Your email address will not be published.