Mga guro sa public schools tatanggap ng P5-K ayuda sa pagbubukas ng klase sa Lunes
Spread the news on:

(File photo)

Makatatanggap ng P5,000 financial assistance mula sa Department of Education (DepEd) ang lahat ng mga guro sa pampublikong eskwelahan sa bansa.

Ayon kay DepEd spokesperson Michael Poa, ibibigay ito sa mga guro sa Lunes, Agosto 22, araw ng pagbubukas ng klase.

Layunin nitong makatulong sa mga gastusin ng mga guro para sa paghahanda sa school year 2022-2023.

“Lahat po ng teachers, makakatanggap. Ibababa po iyan sa, I think, mga school division. I’ll confirm [the details] pero lahat po ay makatatanggap by August 22 noong P5,000 cash allowance,” ayon kay Poa sa joint presser ng Office of the Vice President ngayong Biyernes.

Nilinaw ni Poa na ang P5,000 financial aid ay hiwalay pa sa pondo para sa Maintenance and Other Operating Expenses (MOOE) ng eskwelahan.

Sabi ng DepEd, tinatayang P3.7 billion na halaga ng supplemental MOOE ang na-download na sa lahat ng mga eskwelahan sa buong bansa.

Ito’y para masigurong kumpleto ang mga gamit sa silid-aralan gaya ng chalk at eraser, gayundin ang mga gamit sa pagpapatupad ng minimum health and safety standards gaya ng alcohol.

Inihayag din ni Poa na ang matagal nang inaasam na dagdag-sahod ng mga guro ay maaaring ipatupad ng ahensya bago magsimula ang 2023.

(NP)

 

 


Spread the news on:

Leave a Reply

Your email address will not be published.