Salceda isinusulong na bawasan ang holidays sa bansa
Spread the news on:

(File photo)

Isinusulong ni Albay 2nd District Rep. Joey Salceda na bawasan ang bilang ng non-working holidays sa bansa.

Sa House Bill 672 o Holiday Rationalization Act of 2022, layong limitahan ang non-working holidays.

Kabilang dito ang New Year’s Day sa January 1, Biyernes Santo, Eid’l Fitr, Labor Day o Lunes na malapit sa May 1, Araw ng Kalayaan sa June 12, All Saints’ day sa November 1, Bonifacio day sa November 30, Araw ng Pasko sa December 25 at Rizal day o Lunes na malapit sa December 30.

Samantala, ang ilang dating special non-working holidays ay gagawin na lamang special days, kabilang dito ang Chinese New Year, anibersaryo ng EDSA Revolution, Ninoy Aquino Day, Founding Anniversary ng Iglesia ni Cristo, National Heores Day, Nativity of the Blessed Virgin Mary at Christmas Eve o bisperas ng Pasko sa December 24.

Papayagan naman ang bawat local government unit na magtakda ng isang local holiday gaya ng fiesta o paggunita ng kanilang founding anniversary.

Batay sa panukala, ang regular holidays at local holidays na lamang ang non-working o walang pasok.

May pasok naman sa pitong special days, pero bibigyan ng pagkakataon ang mga manggagawa na pumili kung alin sa special days ang nais nilang gawing non-working, para gunitain ang naturang araw, depende sa kanilang cultural, religious at personal preference. Depende rin ito sa mapagkakasunduan ng employer at empleyado.

Paliwanag ni Salceda, ang Pilipinas ang isa sa may pinakamaraming holiday sa mundo. Layon ng kanyang panukala na maging mas matatag ang negosyo sa pamamagitan ng pagbawas ng holidays.

“This bill aims to provide the employers a stable and more predictable environment for their business operations. The reduced nonworking days, which is on the ASEAN average, will also give the country more competitiveness. At the same time, the concept of holiday economics, except for holidays or special days requiring a specific date of commemoration, has been retained in this bill to further encourage tourism and benefit the economy during the planned holidays.” paliwanag ni Salceda.

(NP)


Spread the news on:

Leave a Reply

Your email address will not be published.