Pagbenta ng pagkain sa Virgin Island sa Bohol bawal na
Spread the news on:

(File photo: Virgin Island sa Panglao, Bohol)

Tuluyan nang ipagbabawal ng lokal na pamahalaan ang pagbenta ng mga pagkain sa Virgin Island sa Panglao, Bohol.

Ito’y kasunod ng viral post sa social media kaugnay sa sobrang mahal na presyo ng mga pagkain na siningil sa mga turista.

Umabot sa P26,100 ang binayaran ng isang grupo ng mga turista para sa seafood at softdrinks na inorder para sa 13 tao.

“Tourists come here, not only because of our beautiful beaches, but also because of honest people. If food prices are overpriced, no one will visit Panglao again,” ayon kay Mayor Edgardo “Boy” Arcay.

Sabi pa ng mayor, ilegal ang mga food stalls na itinayo sa mismong sandbar sa isla dahil wala itong permit.

Noong isang linggo, sinuspinde ang island hopping tours sa Virgin Island habang nagpapatuloy ang imbestigasyon pero ngayon ay maaari na itong pasyalan ulit.

Inirekomenda naman ng Panglao Municipal Tourism Council na ilipat sa Panglao Plaza ang mga seafood vendor na nawalan ng kabuhayan. Maaari rin silang maglatag ng mga produkto sa night market at tiniyak na regulated ang mga presyo.

(NP)

 

 


Spread the news on:

Leave a Reply

Your email address will not be published.