Johnson & Johnson, ititigil na ang pabebenta ng talcum-based baby powder sa 2023
Spread the news on:

Ititigil na ng Johnson & Johnson ang global sale nito ng popular na produkto nilang talcum-based baby powder simula sa susunod na taon, 2023.

Sa halip, itutulak nila ang kanilang cornstarch-based baby powder.

“As part of a worldwide portfolio assessment, we have made the commercial decision to transition to an all cornstarch-based baby powder portfolio,” ayon sa J&J.

Mahigit nang dalawang taong itinigil ng J&J ang pagbebenta ng talcum-based baby powder sa U.S. matapos bumagsak ang demand kasunod ng sunud-sunod na mga kaso laban sa safety ng produkto.

Karamihan dito ay ang claim na nakaka-cancer ang talcum products dahil kontaminado ito ng carcinogen na asbestos.

Gayunman, mariing itinatanggi ng J&J ang alegasyon at sinabing ilang dekada ng scientific testing at regulatory approvals ang nagpapatunay na ligtas ang talcum at ang produkto nila ay walang asbestos.

(NP)


Spread the news on:

Leave a Reply

Your email address will not be published.