Bulkang Taal nagbuga ng mahigit 13,000 tonelada ng sulfur dioxide
Spread the news on:

(Photo: Pagbuga ng sulfur dioxide ng Taal Volcano, Aug. 12. Courtesy: LASAC Facebook – Lipa Archdiocesan Social Action Commission, Inc.)

Nagbuga ng 13,572 tonelada ng sulfur dioxide ang main crater ng Bulkang Taal sa Batangas nitong Huwebes sa pagpapatuloy ng “abnormal condition” nito, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Ayon kay Science and Technology Undersecretary Renato Solidum sa panayam ngayong Biyernes, nagdulot ito ng makapal na volcanic smog.

“Vog over the Taal Caldera yesterday [Thursday] was observed to thicken between 9:00 AM to 2:00 PM, while sulfurous stench was reported by residents of Banyaga, Agoncillo; Poblacion 5, Boso-boso, and Gulod, Laurel; and Poblacion, Talisay, Batangas,” ayon kay Solidum sa mensahe sa Inquirer.net.

Noong July 11, ibinaba sa alert level 1 (low-level unrest) ang Taal mula sa alert level 2 (decreased unrest), ngunit paalala ng Phivolcs, nagpapatuloy ang abnormal condition nito at hindi pa rin nawawala ang banta ng aktibidad sa bulkan.

“Should an uptrend or pronounced change in monitored parameters forewarn of renewed unrest, the alert level may be raised back to alert level 2,” ayon sa Philvolcs sa ulat ng Inquirer nitong Aug. 9.

Sa ilalim ng alert level 1, may banta ng steam o phreatic explosion, pagyanig at minor ash fall. Payo ng Phivolcs, dapat pa ring ipagbawal ang pagpasok sa permanent danger zone at main crater ng bulkan.

(NP)


Spread the news on:

Leave a Reply

Your email address will not be published.