Taga-Rizal solong nagwagi ng P163-M sa Ultra Lotto
Spread the news on:

Instant milyonaryo ang isang taga-Rizal matapos makuha ang jackpot na P163, 365, 304.40 sa Ultra Lotto 6/58 sa draw nitong Biyernes ng gabi, August 5.

Ayon kay Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) General Manager at Vice Chairperson Mel Robles, nabili ang ticket sa isang outlet sa Taytay, Rizal.

Nasungkit ang winning combination na 04-46-58-20-34-28.

17 indibidwal naman ang nanalo ng tig-P120,000 makaraang makuha ang lima sa anim na kombinasyon.

Ito na ang ikalawang beses ngayong buwan ng Agosto na nakuha ng nag-iisang winner ang jackpot prize sa lotto.

Nito lamang August 2, nagwagi ng P15.8 milyon ang isang taga-Bulacan matapos mahulaan ang six-digit winning combination sa Super Lotto 6/49 draw.

(Toni Tambong)

 


Spread the news on:

Leave a Reply

Your email address will not be published.