Team ni EJ Obiena nangakong magbibigay ng P500,000 na tulong kay Lydia De Vega
Spread the news on:

(Photo: EJ Obiena, left, kasama si Lydia De Vega, second from right. Courtesy: EJ Obiena Facebook)

Nangako ang team ni Filipino Olympian at Asia’s top pole vaulter EJ Obiena na magbibigay sila ng P500,000 kay sprint queen Lydia De Vega na lumalaban ngayon sa sakit na cancer.

Matapos manalo ng bronze medal sa World Championships, nagbigay-pugay si Obiena sa mga tinaguriang legends of athletics sa Pilipinas na naging daan sa kanyang tagumpay, kasama na si De Vega.

Nangako siya na ibibigay kay De Vega ang P250,000 na matatanggap niya mula sa Philippine Sports Commission para sa pag-break niya ng Asian record sa pole vault.

“On the flight back to Italy, it occurred to me that despite my own training needs, Ma’am Lydia needs this money more than I do. So, I am hereby pledging to gift [this] 250,000 pesos once paid, directly to the family of Lydia De Vega for her medical expenses,” ayon sa post ni Obiena sa Facebook.

Tatapatan naman nina James at Carol Lafferty ng Team Obiena ang halagang ito.

“In total, Team Obiena will pledge 500,000 pesos to Ma’am Lydia and her family. We hope this makes a difference and gives Mam Lydia added strength to battle this horrible disease. God bless you and give you strength Ma’am Lydia,” dagdag niya.

Kamakailan lang ay nanawagan ng tulong ang anak ni De Vega na nasa kritikal na kondisyon ngayon dahil sa kumplikasyon ng breast cancer.

(NP)

 

 


Spread the news on:

Leave a Reply

Your email address will not be published.