P401 Milyon Grand Lotto jackpot, natumbok ng solo winner
Spread the news on:

May nanalo na!

Napanalunan na ng solong mananaya ang jackpot prize na P401 million sa Grand Lotto 6/55, sa bola nitong Sabado, July 9.

Ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), ang winning numbers sa 6/55 draw ay 02-18-49-07-19-47, para sa kabuuang premyo na P401,186,804.80.

May consolation prizes naman na hanggang 200,000 para sa five winning numbers at 300,000 para sa apat na numero.

Nasungkit din ng solong mananaya sa draw nitong Sabado ang Lotto 6/42 jackpot prize na P5,940,000.

Ang winning numbers ay 27-18-26-13-02-03.  Maaaring kunin ng mga nanalo ang jackpot prizes sa PCSO Main office sa 605 Conservatory Building, Shaw Boulevard sa Mandaluyong City.

Papatawan ng 20 porsyentong buwis ang lotto winnings na mahigit 10,000, alinsunod sa Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) Law.

(Toni Tambong/NP)


Spread the news on:

Leave a Reply

Your email address will not be published.