JACKPOT WINNER: Street sweeper at magsasaka nanalo ng tig-P100 milyon sa lotto
Spread the news on:

(Photo: Mega Lotto lotto winner kasama si Angelo de Leon, Executive Asst. kay PCSO Chairperson Anselmo Simeon P. Pinili. June 21, 2022. Courtesy: PCSO via PTV FB)

Panalo ang isang babaeng street sweeper mula sa Malabon City at isang magsasaka mula sa Quezon province ng mahigit tig-P100 milyong lotto jackpot prize mula sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).

Ang babaeng street sweeper na hindi pinangalanan ay nanalo ng P103,269,281.60 sa Mega Lotto 6/45 draw noong June 17. Ang winning combination ay 10-12-02-27-03-18.

“Una po, akala ko lima lang ang aking tinamaan, inulit kong tingnan kinabukasan at doon ko nakita lahat pala ng numero ay tinamaan ko,” sabi ng lotto winner sa ulat na ipinost sa PCSO website noong July 4.

“Hanggang ngayon po, hindi ako makapaniwala, umiyak po ako nang sobra-sobra. Salamat sa taas at salamat sa PCSO,” sabi ng street sweeper.

Samantala, isang 29-anyos na lalaking magsasaka naman mula sa General Luna, Quezon ang nag-claim ng kanyang Ultra Lotto 6/58 jackpot prize na P100,064,568.00. Ang winning combination ay 20-22-09-54-06-19.

Ito ay ibinola noong May 24 at siya rin ang nag-iisang nagwagi ng premyo. Hindi rin isinapubliko ang kanyang pangalan.

(Photo: Ipinagkaloob ni PCSO Chief of Staff Alexander Castillo ang premyo sa Ultra Lotto 6/58 winner. Courtesy: PCSO via PTV FB)

“Ang suwerte minsan, hindi natin aakalain kung kailan darating. Ang tanging magagawa na lang natin ay patuloy na sumubok at maniwala. Patuloy lang tayong manalig sa Panginoon,” sabi naman ng magsasaka mula sa Quezon.

(Toni Tambong)

 

 


Spread the news on:

Leave a Reply

Your email address will not be published.