Mga pabayang ama hahabulin ng DSWD, ayon kay Tulfo
Spread the news on:

Hahabulin ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang mga pabayang ama na hindi nagbibigay ng sustento sa kanilang mga anak.

Nangako si DSWD Secretary Erwin Tulfo na tutulungan ang mga single mother na hirap sa buhay dahil sa kawalan ng child support mula sa mga dating kinakasama o asawa.

“I will encourage them to come to the DSWD, we will help them out. We will write letters. If not, we will file cases against the father of the children para mag-sustento because it is under the law now,” pahayag ni Tulfo.

“Marami pong hindi nakakaalam, akala nila dahil hindi sila kasal, pero andun yung pangalan sa birth certificate, ay libre sila. Mali po ‘yun. You have to pay o ‘ika nga sustentuhan mo yung anak kahit ‘di kayo kasal o kahit na-impregnate mo lang ‘yung babae pero andun sa birth certificate ‘yung name mo. You have to pay ‘ika nga sustento to your child,” aniya pa.

Labag sa Republic Act 9262 o Anti-Violence Against Women and Their Children Act of 2004 ang hindi pagbibigay ng financial support, pagbabantang hindi magbibigay ng sustento, o pagbibigay ng hindi sapat na sustento sa babae o kaniyang anak.

Ang sinumang mapapatunayang nagkasala ay maaaring makulong nang hindi bababa sa anim na buwan at isang araw hanggang anim na taon.

(Toni Tambong)


Spread the news on:

Leave a Reply

Your email address will not be published.