Marcos idinaos ang unang cabinet meeting; economic team nagbigay ng briefing
Spread the news on:

(Photo: Unang cabinet meeting ng administrasyon ni Pang. Ferdinand Marcos Jr. July 5, 2022. Screenshot courtesy RTVM)

Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang kauna-unahang cabinet meeting ngayong Martes, July 5, limang araw matapos ang kanyang inagurasyon bilang 17th president.

Nagsimula ang meeting bago mag-alas nuebe ng umaga na idinaos sa Aguinaldo State dining room sa Malacañang Palace.

Tinukoy na ang pangunahing agenda sa pulong ay ang ekonomiya ng bansa. Kaya iniutos ng pangulo na unang magbigay ng briefing ang kanyang economic team.

“I have asked…the economics group which is the secretary of Finance, the BSP (Bangko Sentral ng Pilipinas) governor, and the NEDA (National Economic Development Authority) to give us a briefing on the general situation economically because I think we can all understand that the most important area that we will have to deal with will have to be the economy,” ayon kay Marcos.

Inilabas sa live feed ng Presidential Communications Operations Office ang meeting pero itinigil din ang airing nito matapos ang limang minuto, bago simulan ang presentation ng economic team.

Kabilang naman sa mga dumalo sina Vice President at Department of Education (DepEd) Secretary Sara Duterte.

Naroon din si Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Erwin Tulfo, na sinabing inagahan niya ang pagdating sa palasyo dahil nais ni Pangulong Marcos na maaga sila para mas maraming magawa.

Kasali rin sa pulong sina Interior Secretary Benhur Abalos, Solicitor General Menardo Guevarra at Executive Secretary Vic Rodriguez.

Ilang netizens naman ang hindi napigilang punahin ang pagdaraos ng unang cabinet meeting at kinumpara ito sa mga nagdaang pangulo.

Anila, si dating Pangulong Rodrigo Duterte ay nagdaos ng unang cabinet meeting sa mismong araw ng pag-upo niya sa puwesto noong June 30, 2016.

Ganito rin ang nangyari sa yumaong Benigno “Noynoy” Aquino III na nagpatawag ng unang pulong bilang chief executive noong June 30, 2010.

Samantala, hanggang ngayon ay wala pang naitatalaga si Pangulong Marcos na kalihim ng Department of Health (DOH), Department of Energy (DOE), Department of Environment and Natural Resources (DENR), Department of Science and Technology (DOST), at Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD).

Sa press briefing nitong Lunes, sinabi ni press secretary Atty. Trixie Cruz-Angeles, na nasa final evaluation stage na ang pagkumpleto ng cabinet members.

(NP)


Spread the news on:

Leave a Reply

Your email address will not be published.