Jinggoy: Pamilya Estrada handa sa utos ng SC na imbestigahan ang bank accounts ni Erap
Spread the news on:

Handa ang pamilya Estrada na harapin ang utos ng Supreme Court (SC) na ituloy ang imbestigasyon sa bank accounts ni dating Pangulong Joseph “Erap” Estrada.

Sinabi ng anak ni Erap na si Senator Jinggoy Estrada na wala sa kanilang pamilya ang nakakaalam sa desisyon ng SC.

“Nobody knows. Even our lawyers do not know about it…We are totally unfazed. They can open everything,” giit ni Sen. Estrada.

Noong isang linggo, inilabas ng SC ang desisyon na nag-uutos sa Office of the Ombudsman na ipagpatuloy ang imbestigasyon sa bank accounts ni Estrada at iba pang mga personalidad na may kaugnayan umano sa kanya.

Nauna nang ibinasura ng SC ang petisyon ng Philippine National Bank, na dating Allied Banking Corporation, na kumukwestyon sa utos ng Ombudsman na ilantad ang tala ng bank deposits na nakapangalan sa dating pangulo, maging nina Jose Velarde, Laarni Enriquez, Guia Gomez, Joe Melendrez, Peachy Osorio, Rowena Lopez, at Kevin o Kelvin Garcia.

(Toni Tambong)


Spread the news on:

Leave a Reply

Your email address will not be published.