Spread the news on:

Tumaas ang bilang ng kaso ng dengue ngayong taon kumpara sa kaparehong panahon noong 2021. Ito ay batay sa datos ng Department of Health (DOH) kahapon, July 4.

Ayon sa DOH, may 51,622 dengue cases na naiulat simula January 1  hanggang June 18, 2022.

Sa kabuuan, ang mga kaso sa taong ito ay 58% na mas mataas kumpara sa mga naiulat na kaso sa parehong panahon noong 2021 na pumalo sa 32,610.

Karamihan sa mga kaso ng dengue ay naiulat mula sa:

  • Region III (Central Luzon): 6,641 (13%)
  • Region VII (Central Visayas) : 6,361 (12%)
  • Region IX (Zamboanga Peninsula): 4,767 (9%)

Ang mga rehiyon ng MIMAROPA, regions VI, VII, IX, XI, BARMM at CAR ay nagpakita ng pagtaas ng trend noong May 8 hanggang June 18, 2022.

Labinlima sa 17 rehiyon (regions II, III, CALABARZON, MIMAROPA, V, VI, VII, VIII, IX, X, XI, XII, BARMM, CAR, NCR) ang lumampas sa nakalipas na apat na linggo sa alert limitations sa epidemya (May 8 hanggang June 18, 2022).

Sa buong bansa, mayroong 239 na namatay dahil sa dengue. Ito ay naiulat sa mga sumusunod na buwan:

  • February: 37 deaths
  • March: 34
  • April: 47
  • May: 62
  • June: 19

Para makaiwas at makontrol ang pagtaas ng kaso ng dengue, pinaalalahanan ang publiko na patuloy na sundin at ugaliin ang mga sumusunod na 4S strategies:

  • Search and destroy breeding places (linisin ang pinamumugaran ng mga lamok)
  • Secure self-protection (depensahan ang sarili)
  • Seek early consultation (agad magpakonsulta sa doktor)
  • Support fogging/spraying in hotspot areas (mag-spray sa mga lugar na pinamumugaran ng lamok)

(Jocelyn Domenden)


Spread the news on:

Leave a Reply

Your email address will not be published.